Aizu Radiation Information Center
Network for Saving Children From Radiation
Pagbati Mula sa Kinatawan
Terumi KATAOKA
Nuon pa man ay batid na ang malaking problemang sasapitin mula sa nuclear plant. Kaya lang, sa aking paningin, ay para bang hindi inaakala na darating ang sinapit ng naging totoong disaster. Naging totoo na yung disaster noon Mar11,2011. Sobra ang aming pagkagulat at pagkatakot, may lumikas sa Aizu, at mayroon din na nagmasid lamang kung ano ang mangyayari sa lugar.
Malaki ang responsibilidad ng ating henerasyon, dahil tayo ang maypahintulot gumawa ng nuclear plant na nagdulot ng malaking trahedya. Halos namamatay na ang mga bundok, ilog, lupa, dagat at pati na rin ang hinaharap ng kalikasan na nangangahulugan na mawawala na ang magandang mundo para sa mga bata. Kahit pa man hinihingi namin ng tawad sa susunod na henerasyon ay hindi na rin mababago ang tunguhin na ito.
Maliban sa ganitong kalagayan, iniisip ko rin kung ano ang sama-samang magagawa para iligtas ang buhay ng mga bata kahit paunti-unti. Kaya ng ika-11 ng Mayo, 2011 ay aming itinatag ang “Network to Save Children from Radiation” at noong ika-11 ng July, 2011 ay aming itinayo and “Radiation Information Center”. Mula sa mga pagkatatag ng mga ito hanggang sa ngayon ay marami kaming mga aktibidad na inilunsad.
Dahil nakita na natin ang trahedyang nuclear mula sa TEPCO Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant ay isipin nating mabuti kung papaano mamumuhay ang tao. Bago pa man ang nuclear disaster ay hindi ko masyadong iniisip ang problema ng ating lipunan. Ngayon ay isipin nating mabuti. Mahalaga ang bawat buhay at hirangin natin ang “lipunan na ang yaman ay buhay.” Huwag magpalansi sa mga mapanlinlang na impormasyon at protektahan ang ating buhay. Sapagkat tayo ang may desisyon sa ating sariling buhay.
Sentro ng Impormasyon sa Radiation ng Aizu
Add: 8-36 Nishisakae-machi, Aizuwakamatsu-shi, Fukushima Japan 965-0877
Tel/Fax: 0242-23-9401
Email: info@aizu-center.org
Representative: Terumi Kataoka
Open: 10:00am-4:00 pm / Wednesday to Saturday
〒965-0877
福島県会津若松市西栄町8-36
tel/fax:0242-23-9401
代表/片岡輝美
開館日/水・木・金・土 ※祝日は除く
(土曜日は第1・3週午前中のみ開館)
夏季・冬季休館期間あり
開館時間/午前10時〜午後4時